
Nakisaya ang mga aktres na sina Ashley Rivera at Sugar Mercado sa The Boobay and Tekla Show nitong Linggo.
Sumalang ang guest celebrities sa “Guilty or Not Guilty” segment ng nasabing programa, kung saan sinagot nila ang ilang maiinit na mga tanong. Sa naturang segment, natanong din ni Boobay si Ashley kung sino ang showbiz crush nito.
“Since sinabi mo kanina na single ka, i-share mo naman sa amin, sino ba ang showbiz crush mo?” ani ng Kapuso host-comedian.
Ayon kay Ashley, humahanga siya sa magkasintahan na sina Heaven Peralejo at Marco Gallo at aniya'y na-appreciate niya ang pagiging sweet ng aktor sa kanyang nobya.
“Fan ako ng mag-jowa na 'to, si Heaven Peralejo at saka si Marco Gallo. 'Yun 'yung tipong crush ko, mga type ko, parang mga half, AFAM tapos Pinoy din,” aniya.
Dagdag niya, “Na-appreciate ko lang 'yung itsura ni Marco, 'yung tindig niya, lahat, tapos sobrang sweet niya kay Heaven. Kaya parang, 'Aw, sana all. Sana magkaganyan din ako.'”
Alamin ang iba pang sagot nina Ashley Rivera at Sugar Mercado sa video na ito.
Subaybayan ang The Boobay and Tekla Show tuwing Linggo, 10:05 p.m. sa GMA at Kapuso Stream, at 11:05 p.m. naman sa GTV.
SAMANTALA, MAS KILALANIN SI ASHLEY RIVERA SA GALLERY NA ITO.