
Nagbahagi ng saloobin ang Chicks 2 Go podcast hosts na sina Ashley Rivera at Hershey Neri. Kaugnay ito ng paglabas ng ilang blind items kamakailang lang, kabilang na ang tungkol sa isang celebrity couple na nanganganib diumano ang relasyon.
Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Huwebes, inamin ni Ashley na parte na kasi ng kulturang Pilipino ang tsismis at blind items, lalo na at ito ang pinakamabenta sa mga tao. Ginagamit umano ng ilang entertainment vlogs o sites para makakuha ng engagement at views.
“Even if it is 'yung pina-practice na culture dito sa Philippines, I'm not okay with it kasi nakakaawa naman 'yung mga bina-blind item. What if 'yung mga tao, iniisip nila ibang celebrity or whoever, 'yun pala hindi sila,” sabi ni Ashley.
Pagpapatuloy pa ng aktres, maaaring base lang sa spekulasyon ang blind item, o pwede ring gawa-gawa lang ito. Ngunit dahil na-publish na, pag-uusapan na ng mga tao at gagawa na sila ns kaniya-kaniyang mga kwento.
Sabi naman ni Hershey, “Atsaka, 'di ba, parang mas masaya ang buhay kapag sarili mong buhay ang iniintindi mo? Just be happy on your own lane.”
Sinang-ayunan din ito ni Ashley, "Stay in your own lane, 'wag na tayong makialam.”
Ngunit sabi ng King of Talk na si Boy Abunda, “That's not what happens in real life. Ang daming nangingialam, ang daming opinyon, ang daming ingay, ang daming chaos. It can be toxic.”
Kaugnay nito, ibinahagi ni Hershey, bilang bago lang sa entertainment industry, noong nakaraang taon lang niya nalaman na marami pala ang may ayaw sa kaniya. Marami umano siyang nababasa online na pamumuna at bashing.
Ngunit sabi umano ng kaniyang kaibigan, “You know, that's noise. That's just noise. Ang intindihin mo is that you have a friend who loves you. You have friends who love you for who you are, and a thousand people may not like you, but at the end of the day, you have 10 true friends, and that's what matters.”
TINGNAN ANG ILAN SA MGA KILLER RESPONSE NG CELEBRITIES SA KANILANG BASHERS SA GALLERY NA ITO:
Sa pananaw naman ng batikang host na si Boy, importante rin i-encourage ang fans at followers na magsalita din sa comments section at ipaalam ang kanilang paghanga sa kanilang idolo.
Sang-ayon naman si Hershey dito, “Yes, ang daming bashers, ang daming hate. It's nice to have good comments din, e.”
Sabi naman ni Ashley, “For me, in terms of bashers, no reaction is the best reaction. Kasi sometimes, they just want to-- Like, gusto lang nilang magpapansin, e. So, 'pag binigyan mo sila ng importansya, ng attention, sila 'yung nanalo. Whereas we can just ignore, block.”
Panoorin ang panayam kina Ashley at Hershey sa video sa itaas.