
Bumisita ang Chinese actress na si Zhang Yingfei na bida sa Chinese drama na The Heiress Who Won with Brains sa Fast Talk Talk with Boy Abunda nitong Lunes, June 15. At para i-welcome siya, tinuruan ang aktres nina Ashley Rivera at Inah Evans ng ilang Tagalog words.
Isa sa mga unang nalaman na Tagalog phrases ni Yingfei ay “salamat po.” Kaya naman, para madagdagan ang kaalaman ni Yingfei, tinuruan nna Ashley at Inah ang Chinese actress ng ilan pang salitang Filipino.
Unang itinuro ni Ashley, “I will teach you something important. You will say, 'Lumayo ka.' It means, 'Stay away.'”
Bilin pa ni King of Talk Boy Abunda, kailangan ay may feelings ang pagsabi ni Yingfei, na nagawa naman ng aktres.
Hindi rin nagpahuli si Inah, “I'm gonna teach you to say 'Sana, ako na lang,' which means 'I wish it was me instead.' With emotion.”
Ipinakita pa nga ni Inah kung papaano dapat gawin ni Yingfei ang linya.
TINGNAN ANG FOREIGN CELEBRITIES NA SUMABAK NA RIN SA PHILIPPINE TV SA GALLERY NA ITO:
Hindi naman napigilan purihin nina Boy at Ashley kung gaano kaganda ang pagbitaw ni Yingfei ng linya, at pinalakpakan pa ang aktres.
Sabi ni Inah, “She has a future here, our future Kapuso.”
Sa huling linya, tinuro ni Ashley ang mga katagang “Baka naman.”
“This is the example, life for example, I have food, I have a Xiao Long Bao, and you want it but you don't want to really ask for it directly. So you would say, 'Baka naman.'”
Pinalakpakan din nina Ashley at Inah si Yingfei sa pagsabi nito ng linya. Sabi pa ng Kapuso actress na cute ang pagkakasabi nito.
Bumisita si Yingfei sa Pilipinas para sa isang education campaign at ma-meet ang ilang fans.