
Hindi napigilang maging emosyonal ni Ashley Rivera habang kinakantahan ang kanyang inang nasa ospital.
Sa TikTok, ibinahagi ng aktres ang heartfelt moment kasama ang inang may cancer, kung saan sinusubukan niya itong patawanin gamit ang isang maliit na megaphone.
Habang hawak-hawak ang kamay ng ina, nagsimulang kumanta si Ashley sa megaphone ng "You Are My Sunshine." Dito, hindi na niya napigilang mapaluha.
Sulat ni Ashley sa mismong video, "Tell your parents how much you love them while you still can."
Caption naman niya sa kanyang post, "Pls don't take my sunshine away.
"I wish this was just an April Fool's post but this is my reality now."
Nagpasalamat din ang aktres sa lahat ng nagpaabot ng kanilang pagmamahal at dasal.
"Thank you for all the love and prayers. My mama bear is a fighter!"
Napanoon si Ashley sa hit fantaserye na Encantadia Chronicles: Sang'gre bilang Batis ng Katotohanan.
Related content: Ashley Rivera stuns as calendar girl of leading liquor brand!