GMA Logo Ashley Rivera
Source: Fast Talk with Boy Abunda, itsashleyrivera (IG)
What's on TV

Ashley Rivera, pinamimigay ang kaniyang mga kalendaryo?

By Kristian Eric Javier
Published January 16, 2026 1:13 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Pekeng pulis, bumangga sa sasakyan ng mga tunay na pulis! | GMA Integrated Newsfeed
Andi Eigenmann looks back on 2016 experience
LIST: LGUs announce class suspension due to #AdaPH

Article Inside Page


Showbiz News

Ashley Rivera


Karugtong ng kaniyang pangarap maging calendar girl, isang bagong pangarap ang kasalukuyang tinutupad ni Ashley Rivera. Alamin kung ano ito dito.

Dream come true para kay Ashley Rivera ang maging calendar girl na kamakailan lang ay natupad nang kunin siya ng isang whiskey brand.

“Na-reach ko na 'yung goal ko na maging calendar girl. Ngayon, ang sunod kong goal, makita 'yung calendar ko sa mga guardhouse, kung saan 'yung mga gym, 'yung mga sa basketball court, 'yung mga barangay,” sabi ni Ashley sa pagbisita nila ni Hershey Neri sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Huwebes (January 15).

Sa katunayan, pagdating niya sa GMA Network para sa kanilang guesting sa naturang GMA Afternoon Prime Talk show, namigay na ng kaniyang mga kalendaryo ang aktres.

“So actually, fun fact, meron akong mga calendar sa loob ng kotse ko kasi ang dami nilang binigay sa akin, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. So para akong nangangandidato,” sabi ni Ashley.

Pagpapatuloy ng aktres, “Katulad dito, 'yung pagpasok ko sa GMA, sabi ko, 'Kuya, sa Fast Talk. Ay ito pala o, minsan lang 'to. Sa inyo na 'to.'”

Kuwento pa ng aktres, may ilang gwardya rin na humingi ng kalendaryo niya, “'Of course!' Next time, VIP na 'ko lagi dito. Kahit walang parking, magkaka-parking ako kasi hindi nila pwedeng ipagkaila. Pagpasok ko pa lang, 'Ayan ako, o.'”

TINGNAN ANG FORMER TEEN STARS NA CONFIDENT SA KANILANG CALENDAR GIRL ERA SA GALLERY NA ITO:

Ngunit paano nga ba natupad ni Ashley ang goal niyang ito?

“Manifest or pagpaparinig. Hindi, actually, meron kasi kaming episode sa Chix to Go podcast. Meron kaming 'Bakit hindi' list. So these are the things na parang bakit hindi? So sabi ko lang, 'Parang gusto ko maging calendar girl' kasi not everyone gets that opportunity and I think it would be so fun,” sabi ni Ashley.

Saad ng aktres, na-inspire din siya kay Carmi Martin na dati ring calendar girl ng naturang brand.

“Hindi ko naman in-expect, as in wala lang 'yun, I wasn't expecting anything naman, and after two years din ata or a year after that episode,” sabi ng aktres.

Panoorin ang panayam kina Ashley at Hershey dito: