GMA Logo Ashley Rivera and Bert de Leon
Source: itsashleyrivera (IG) and GMA Network
What's on TV

Ashley Rivera, ramdam pa rin ang sakit ng pagpanaw ni Direk Bert de Leon

By Aedrianne Acar
Published November 29, 2021 6:24 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Manila City illuminates its Christmas tree and celebrates with a concert
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Ashley Rivera and Bert de Leon


Ashley's best memory with Direk Bert: “Mahilig siya mag-golf, so kapag golf na 'yung pinag-uusapan, nakikita mo nag-i-sparkle 'yung eyes niya.”

Ramdam sa boses ng Bubble Gang comedienne na si Ashley Rivera ang lungkot nang mapag-usapan ang yumao nilang director sa show na si Direk Bert de Leon.

Inanunsyo ng pamilya ng batikang Kapuso director ang pagpanaw nito noong November 21 na labis na ipinagluksa ng buong showbiz industry.

Bukod sa Bubble Gang, director din si Bert de Leon ng award-winning sitcom na Pepito Manaloto at hinawakan din niya ang longest-running noontime show na Eat Bulaga.

Kuwento ni Ashley sa GMANetwork.com, “When I found out na nawala na nga si Direk Bert, umiyak talaga ako.”

Dagdag niya, “At saka 'yung iyak na hagulgol, kasi isa siya sa mga naniniwala talaga sa akin. Sabi ko nga siya 'yung kakampi ko doon sa Bubble e. Kasi, parang everytime na nagkikita kami, very sweet siya.

“Alam mo 'yung parang loving na Tatay and napaka-genuine ng relationship namin sa isa't isa bilang artista at director.”

May panghihinayang din si Ashley na hindi na siya nakapunta sa burol ni Direk Bert dahil nasa lock-in taping siya last week.

Aniya, “Sadly, I wasn't able to attend 'yung wake niya kasi nasa lock-in taping ako nun. Although, nakapag-attend ako doon sa Zoom na parang prayer for him noong nasa ICU pa ata siya noon.

“But alam naman ni Direk Bert na love na love ko siya, when I was with him talaga. Kahit hindi niya ako nakaka-usap regularly.

“It's sad.”

Tinanong namin si Ashley kung ano ang best memory niya with the highly-accomplished director.

Tugon ng TikTok star, “Simple lang naman. Dati kasi noong wala pang pandemic, kapag lunch we would all eat together, tapos 'yung mga ganung simpleng moments lang na kausap mo lang, kakain lang kayo, usap lang kayo, small talk lang.

“Tapos mahilig siya mag-golf, so kapag golf na 'yung pinag-uusapan, nakikita mo nag-i-sparkle 'yung eyes niya. So ako natutuwa ako, kasi siyempre I like seeing people talk about something that they love, kasi naiiba 'yung aura nila, e."

Samantala, balikan ang tribute posts ng cast ng Bubble Gang at Pepito Manaloto para kay Direk Bert sa gallery na ito: