
Mapupuno ng kulitan at kilig vibes ang Sunday night ng mga Kapuso dahil sa bagong episode ng TBATS On The Go!
Abangan ngayong Linggo (March 15) ang Sparkle actress at comedienne na si Ashley Rivera, na makikisaya kasama ang comedy duo at hosts na sina Boobay at Tekla.
Sasalang ang special guest celebrity sa dating game na "Pusuan Na 'Yan," kung saan tatlong hunks ang pagpipilian ng aktres.
Sino kaya ang mapipiling ka-date ni Ashley? Abangan ang all-new episode ng TBATS On The Go! mamayang 10:05 p.m. sa GMA at Kapuso Stream, pagkatapos ng Kapuso Mo, Jessica Soho.
MAS KILALANIN PA SI ASHLEY RIVERA SA GALLERY NA ITO.