
Nag-enjoy nang husto ang pamilya ng Happy ToGetHer star na si Ashley Rivera sa guesting nila sa high-rating game show ni Dingdong Dantes na Family Feud Philippines, kahapon (March 1).
Kasama ni Ashley (a.k.a Petra Mahalimuyak) ang kaniyang Daddy Pong Rivera, Mama Vicky del Castillo, at kapatid na si Kim Rivera.
Ayon sa Instagram post ng Sparkle comedienne, “dream come true” para sa kaniyang daddy ang makasali sa Family Feud Philippines.
Sabi niya sa post, “Dream come true para samin ni Dad na makasali kami sa Family Feud kaya thank you @gmanetwork for letting us play.”
Tingnan kung umangat ang performance ng Rivera family kontra sa katunggali nila sa video na ito ng Family Feud Philippines.
Gumaganap bilang Pam si Ashley sa sitcom na Happy ToGetHer na pinagbibidahan ni John Lloyd Cruz. Dati rin siyang cast member ng award-winning gag show na Bubble Gang.
SINO-SINO ANG MGA MAGAGALING NA COMEDIENNES NA TATAK KABABOL?