GMA Logo Ashley Rivera and Akihiro Blanco
What's Hot

Ashley Rivera, tutuldukan ang pang-aabuso ng mister na si Akihiro Blanco sa 'Wish Ko Lang'

By Aimee Anoc
Published February 17, 2022 4:47 PM PHT

Around GMA

Around GMA

DSWD: Over P8.4M in relief aid given to Albay LGUs affected by Mayon Volcano unrest
Tagbilaran and Toledo are big winners in #Sinulog2026 Grand Parade
Farm to Table: (January 18, 2026) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News

Ashley Rivera and Akihiro Blanco


Trending ngayon ang upcoming "Abuso" episode ng 'Wish Ko Lang' na mayroong mahigit 1 million views.

Mayroon nang mahigit 1 million views sa Facebook ang teaser ng "Abuso" episode ng Wish Ko Lang na pinagbibidahan nina Ashley Rivera at Akihiro Blanco.

Mapangahas ang mga karakter na gagampanan nina Ashley at Akihiro bilang ang mag-asawang Karen at Angelo.

Sa teaser, mapapanood ang paulit-ulit na pang-aabusong ginagawa ni Angelo sa kanyang misis na si Karen kung saan tila isang "gamit" na lang ang trato niya rito.

Sa kabila ng pagtitiis ni Karen, magagawa pang mambabae ng kanyang mister. Makakaya kayang putulin ni Karen ang relasyon kay Angelo o iba ang mapuputol niya?

Makakasama rin nina Ashley at Akihiro sa episode na ito sina Boobay, Trixie Lalaine Fabricante, at Chef Jose Sarasola.

Huwag palampasin ang kaabang-abang na mga tagpo ngayong Sabado, February 19, alas-4 ng hapon sa GMA.

Maaari ring mapanood ng mga Kapuso abroad ang Wish Ko Lang sa GMA Pinoy TV. Para sa program guide, bisitahin ang www.gmapinoytv.com.

Samantala, tingnan ang top 10 most viewed episodes ng Wish Ko Lang sa gallery na ito: