GMA Logo Ashley Sarmiento
Photo by: ashleysarmiento_ (IG); niceprintphoto (IG)
What's Hot

Ashley Sarmiento, abala na sa kanyang grand debut; 'MAKA' co-stars kasama sa 18 roses

By Aimee Anoc
Published January 24, 2025 11:47 AM PHT

Around GMA

Around GMA

What is the Pink Moon? Why it won’t appear pink in PH
Teacher in Leyte arrested with suspected shabu, marijuana
This dual-wave RF may be the definitive solution for stubborn melasma

Article Inside Page


Showbiz News

Ashley Sarmiento


Silipin ang paghahandang ginagawa ni Ashley Sarmiento para sa kanyang debut party dito.

Naghahanda na ang Sparkle artist at MAKA star na si Ashley Sarmiento para sa kanyang grand debut na gaganapin ngayong January 26.

Kabilang sa paghahanda ni Ashley ang pagsiguro na perfect ang menu para sa kanyang party, kung saan nagkaroon na siya ng taste test noong nakaraang linggo.

A post shared by Sparkle GMA Artist Center (@sparklegmaartistcenter)

Abala rin si Ashley sa kanyang mga susuoting gown para sa party. Sa Instagram, ipinakita ng aktres ang kanyang ginawang photoshoot kung saan iba't ibang style ng pink gowns ang kanyang suot.

A post shared by Ashley Sarmiento (@ashleysarmiento__)


Nagkaroon din ng media conference ang aktres para sa kanyang 18th birthday celebration.

A post shared by Sparkle GMA Artist Center (@sparklegmaartistcenter)

Sa kanyang debut party, bahagi ng kanyang 18 roses ang ilang Sparkle teens at co-stars sa MAKA.

Una nang ipinagdiwang ni Ashley ang kanyang 18th birthday noong January 13 kasama ang kanyang pamilya kung saan nagkaroon ito ng simpleng selebrasyon.

BASAHIN ANG MGA PAGBATING NATANGGAP NI ASHLEY SARMIENTO SA KANYANG 18TH BIRTHDAY SA GALLERY NA ITO: