GMA Logo Ashley Sarmiento, Rave Victoria
Courtesy: officialravevictoria (TikTok), ashleysarmiento_ IG
What's Hot

Ashley Sarmiento and Rave Victoria join 'Cha Cha Cha' trend

By EJ Chua
Published June 2, 2026 2:25 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Angeles City, Pampanga building collapse death toll jumps to 20
NPA group in Caraga ‘collapses’ after remaining members surrender
Local artisanal ice cream to close only shop due to 'high rent'

Article Inside Page


Showbiz News

Ashley Sarmiento, Rave Victoria


May makulit na entry ang AshRave sa “Cha Cha Cha” trend sa TikTok!

May cute at own version sina Ashley Sarmiento at Rave Victoria sa “Cha Cha Cha” trend ngayon sa TikTok.

Game na game itong sinubukan nina Ashley at Rave at marami ang talaga namang kinilig sa kanilang entry.

Bukod sa kilig, may kulitan moments din sila habang ginagawa ang TikTok trend.

Sa kasalukuyan, mayroon nang 2.2 million views ang naturang content sa video-sharing application.

Mababasa sa comments section ng post ang positive reactions ng kanilang fans at iba pang netizens na nakapanood sa kanilang bagong video together.

Dito ay pinag-usapan ng ilang fans ang nakakakilig na gestures ng dalawa, lalo na noong masyado silang magkalapit habang sumasayaw.

@ashleysarmiento__

♬ original sound - Kaylene

Related gallery: Ashley Sarmiento and Rave Victoria's sweetest moments

Sa previous interview sa Fast Talk with Boy Abunda, ini-reveal ng Sparkle star na kasalukuyan silang nasa courting stage ni Rave.

Matatandaang si Ashley ang itinanghal na Kapuso Third Big Placer sa katatapos lang na edisyon ng teleserye ng totoong buhay.

Si Rave naman ay naging parte ng wildcard category ngunit kinailangan ding lumabas agad ng Bahay Ni Kuya matapos makuha ni Eliza Borromeo ang puwesto para sa Kapamilya wildcard housemate.

Samantala, ano kaya ang susunod na update tungkol sa AshRave? Abangan 'yan sa next showbiz stories sa GMANetwork.com.