
Reunited ang dating co-stars na sina Ashley Sarmiento at Marvin Agustin.
Sa Instagram Stories ni Ashley, ibinahagi niya ang photos nila ni Marvin sa pagbisita nila sa restaurant ng huli.
Kasama ng Sparkle star na nag dine-in sa restaurant ng aktor ang isini-ship at ang manliligaw niya na si Rave Victoria.
Related gallery: Ashley Sarmiento and Rave Victoria's sweetest moments
Image Source: @ashleysarmiento_ (Instagram)
Tila meeting at catching up with the showbiz dad ang peg nila dahil si Marvin ay gumanap noon na tatay ni Ashley sa isang serye, kung saan ang gumanap naman na nanay niya noon ay si Jolina Magdangal.
Bukod kay Rave, na-meet din ni Marvin ang mommy ni Ashley.
Matatandaang isa si Marvin Agustin sa mga gustong maging celebrity houseguest noon ni Ashley sa kinabilangan niyang reality competition na Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0.
Samantala, kamakailan lang ay pinag-usapan online ang tambalang AshRave (Ashley at Rave) dahil sa nakakakilig nilang moments at scenes sa "Ikaw ang Simula" official music video ni KD Estrada na ini-release nitong May 30, 2026 sa iba't ibang social media platforms.
Kasalukuyang nasa courting stage ang Sparkle star at Star Magic artist, bagay na kinumpirma ni Ashley sa naging panayam sa kanya noon sa Fast Talk with Boy Abunda.
Sa recent collab ng GMA at ABS-CBN na Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0, si Ashley ang itinanghal na Kapuso Third Big Placer habang si Rave naman ay naging parte ng wildcard category.
Abangan ang next updates tungkol sa AshRave sa GMANetwork.com.