GMA Logo Ashley Sarmiento at Rave Victoria in PBB
Courtesy: ashleysarmiento_IG, officialravevictoria IG
What's Hot

Ashley Sarmiento at Rave Victoria, kinakikiligan sa 'PBB Celebrity Collab Edition 2.0'

By EJ Chua
Published December 1, 2025 6:04 PM PHT
Updated December 1, 2025 6:24 PM PHT

Around GMA

Around GMA

14k civilians pass PNP entrance exams, 2,9k cops qualify for promotion
Farm to Table: (December 21, 2025) LIVE
Content creator Arshie Larga reveals his biggest investment in 2025

Article Inside Page


Showbiz News

Ashley Sarmiento at Rave Victoria in PBB


'Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0' housemates at viewers kina Ashley Sarmiento at Rave Victoria: “Na para bang mhie at dhie ang tawagan.”

Kabilang sina Ashley Sarmiento at Rave Victoria sa pinag-uusapang pairings sa loob ng Bahay Ni Kuya sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0.

Ramdam sa social media na marami ang talaga namang natutuwa sa kanilang kilig at kulitan moments together.

Sa isa sa episodes ng teleserye ng totoong buhay, ipinasilip ang pag-uusap nina Ashley at Rave, kung saan inilahad ng huli na nagtatampo siya sa ginagawang pag-iwas ng una sa kanya.

Ayon kay Rave, “So umiiwas ka talaga?... Ayun nga 'yung nangyari nasaktan ako. Tapos ewan, 'pag minsan kunwari wala tayong interaction minsan hinahanap ko. Kapag naging clear ka, magiging clear din ako. 'Yun 'yung nararamdaman ko kaya sinabi ko sa 'yo.”

“Kasi importante ka rin sa akin kaya gusto ko kapag may problema ako o kaya may nangyari sa atin, mapag-usapan natin,” pahabol pa niya.

Sa ilang clips, mapapanood na nagtatakbo si Ashley papasok sa bedroom ng girls sa sobrang kilig na kanyang naramdaman sa narinig niya mula kay Rave.

Bukod sa viewers at fans, patuloy ding isini-ship ng housemates ang tambalang AshRave.

Patuloy na tumutok sa mga kaganapan sa loob ng Bahay Ni Kuya sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0.

Mapapanood ang reality show ng live sa GMA at Kapuso Stream, weekdays, 9:40 p.m., Sabado, 6:15 p.m., at Linggo sa oras na 10:05 p.m..

Maaari ring subaybayan ang mga kaganapan sa loob ng Bahay Ni Kuya sa All-Access Livestream.

Samantala, bilang isa sa mga nakatutok sa teleserye ng totoong buhay, sino sa male at female housemates ang gusto mong maging big winner ngayong season?

Sagutan ang GMANetwork.com Awards 2025 polls sa ibaba:

POLL: Who's your Female Big Winner in 'PBB Celebrity Collab Edition 2.0'?

POLL: Who's your Male Big Winner in 'PBB Celebrity Collab Edition 2.0'?

Related gallery: Meet the fan-favorite ships in 'Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0'