
Kinakikiligan online ang bagong post ni Rave Victoria kung saan makikitang kasama niya ulit si Ashley Sarmiento sa ilang photos.
Related gallery: Ashley Sarmiento and Rave Victoria's sweetest moments
Ang photos na kaniyang ibinahagi sa Instagram ay kuha sa recent vacation nila sa isang beach sa La Union.
“Elyu baby,” sulat ng Star Magic artist sa caption ng kaniyang post na ni-repost ng Sparkle artist sa kaniyang Instagram account.
Mayroon na ito ngayong mahigit 120,000 heart reactions sa Instagram.
Bago ang beach vacation sa La Union, matatandaang isinama ni Rave sa Korea si Ashley, kung saan nakapag-bonding sila kasama ang pamilya ng una.
Sina Ashley at Rave na tinatawag ding AshRave ay kabilang sa fan-favorite ships sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0.
Kasalukuyang nasa courting stage ang dalawa na kinumpirma ni Ashley sa previous interview sa kanya sa Fast Talk with Boy Abunda.
Si Ashley ang itinanghal na Kapuso Third Big Placer sa katatapos lang na edisyon ng teleserye ng totoong buhay.