
May bagong major update tungkol sa AshRave, ang tawag ng shippers sa tandem ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0 ex-housemates na sina Ashley Sarmiento at Rave Victoria.
Sa guest appearance ni Rave sa 92.3 FM Radio Manila: Banana Krew, sinagot ng una ang tungkol sa plano niyang Korea trip kasama si Ashley at sinabi niyang totoo at tuloy ito.
Ayon sa Star Magic artist, “Oo [totoo], wala siyang babayaran. Actually ang nag-plan nun ay 'yung mama ko, gusto niya na pumunta akong Korea para ma-meet ko 'yung mga kapatid ko and stepdad ko and makapag-bonding kami sa Korea. Tapos sabi niya kung may gusto raw akong isama, isama ko and sabi ko si Ashley [Sarmiento].”
Nabanggit din ni Rave na ipinagpaalam niya si Ashley sa mommy, mga tita, at mga ate ng Sparkle star para sa kanilang Korea trip.
Inilahad din niya na first week ng April ang date ng kanilang alis mula sa Pilipinas papuntang Korea.
Sa recent interview ng Fast Talk with Boy Abunda kay Ashley, ini-reveal niya na nililigawan na siya ni Rave.
Matatandaang naging usap-usapan din sa social media ang personal na pagkikita ni Rave at ng mommy ni Ashley na si Mommy Jovel at ito ay nangyari habang nasa loob pa noon ng Bahay Ni Kuya ang Kapuso star.
Ang AshRave ay kabilang sa fan-favorite ships sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0.
Si Ashley ang itinanghal na Kapuso Third Big Placer sa katatapos lang na edisyon ng teleserye ng totoong buhay.
Related gallery: Ashley Sarmiento's unforgettable PBB Journey as a housemate