GMA Logo Akusada, Ashley Sarmiento, Benjamin Alves, Lianne Valentin
What's on TV

Ashley Sarmiento bilang si Amber sa 'Akusada,' pinag-usapan

By EJ Chua
Published August 27, 2025 2:14 PM PHT

Around GMA

Around GMA

15-anyos nga dalagita, napalgang patay | One Mindanao
Ombudsman, nagsampa ng kasong malversation at graft laban kay Bong Revilla at 6 na iba pa
Gabbi Garcia's photos from 2016 that prove she is a true it girl

Article Inside Page


Showbiz News

Akusada, Ashley Sarmiento, Benjamin Alves, Lianne Valentin


Panoorin dito ang isa sa heavy drama scene ni Ashley Sarmiento sa 'Akusada.'

Trending ngayon sa TikTok ang pasilip sa isa sa mga eksena ni Ashley Sarmiento sa intense drama na Akusada.

Usap-usapan sa video-sharing application ang video na in-upload ng TikTok user na si Maria, kung saan ibinahagi ang ilang kaganapan sa set ng serye.

Related gallery: On the set of 'Akusada'

Tampok dito ang Akusada stars na sina Lianne Valentin, Benjamin Alves, at Ashley Sarmiento.

Mapapanood sa viral video ang isa sa mabibigat na mga eksena ni Ashley bilang si Amber, ang anak ni Wilfred (Benjamin Alves).

Maraming netizens ang pumuri sa acting skills ni Ashley habang kinakausap niya si Carol/Lorena, ang karakter ni Andrea Torres.

Sa comments section, mababasa ang positive comments ng mga nakapanood sa heavy scene ni Ashley.

Sa kasalukuyan, mayroon nang mahigit 253,000 views ang viral video.

@aneajoy099 watch out for this scene in the akusada 📍 #marcomasa #ashleysarmiento #benjaminalves #liannevalentin #fypシ ♬ aku sungguh cintaaa - ourfeelings🪐

Bukod dito, kinagiliwan din sa TikTok ang kulitan at bonding moments ng cast habang sila ay nasa set ng intense drama series.

Samantala, huwag palampasin ang mga intense na eksena sa 2025 drama series na 'Akusada,' weekdays 4:00 p.m. sa Kapuso Stream at GMA Afternoon Prime.

Maaaring balikan at panoorin ang full episodes nito sa gmanetwork.com/Akusada.

Related gallery: The many characters of Andrea Torres