GMA Logo Ashley Sarmiento
Courtesy: ashleysarmiento_IG, ashleynation.official IG
What's Hot

Ashley Sarmiento brings happiness to fans in Meet and Greet event

By EJ Chua
Published May 4, 2026 1:05 PM PHT

Around GMA

Around GMA

After MUPH 2026 run, Roxie Smith says to 'never forget that the child within us all deserves to see how far we can go'
Cotabato probes alleged illegal open-pit mining
Marina Summers is grateful to have hosted MUPH 2026

Article Inside Page


Showbiz News

Ashley Sarmiento


Naka-bonding ng PBB 2.0 Kapuso Third Big Placer na si Ashley Sarmiento ang kanyang supporters.

Masayang dumalo ang Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0 Kapuso Third Big Placer na si Ashley Sarmiento sa isang Meet and Greet event.

Nakasama at naka-bonding ni Ashley rito ang fan group niya na ashleynation.official.


Bukod dito, hinarana rin niya ang kanyang supporters na sobrang nagbigay-saya at kilig sa lahat ng dumalo sa event.

Sa kanyang Instagram post, ilang photos ang ibinahagi ng Sparkle star na kuha mula sa Meet and Greet event.

Makikita rin dito ang kanyang solo photos, kung saan tampok din ang mga natanggap niyang special gifts mula sa kanyang fans kabilang na ang isang pink na electric guitar.

Sulat ni Ashley sa caption ng kanyang post, “TWAS FUN!! Thank you guys! ashleynation.official.”

Sa kasalukuyan, umabot na sa mahigit 124,000 heart reactions ang kanyang post.

A post shared by Ashley Sarmiento (@ashleysarmiento__)


Kamakailan lang, kinilala at pinarangalan si Ashley Sarmiento bilang TV Supporting Actress of the Year sa 7th Village Pipol Choice Awards para sa kanyang naging performance sa 2025 drama series na Akusada.

Nakilala siya sa intense drama bilang si Amber, ang panganay na anak ni Wilfred (Benjamin Alves).

Kilalanin pa si Ashley sa gallery sa ibaba.

Related: Meet the charismatic teen star, Ashley Sarmiento