
Usap-usapan sa social media ang bagong project ni Ashley Sarmiento bilang aktres.
Kasama niya rito ang isa sa former housemates niya sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0 na si Rave Victoria.
Tampok ang acting skills nina Ashley at Rave sa short video film ni Joshua Salva na pinamagatang 'Pulang Sinulid.'
Mapapanood dito ang mahusay na pagganap ng Sparkle actress at dating child star bilang isang leading lady.
Ilan sa mga highlight ng video film ay ang eksena ng mga karakter nina Ashley at Rave sa train station, scenes sa swimming pool, at pati na rin ang nakakakilig na buhat moments.
Sa Instagram Stories, ibinahagi ni Rave na humakot ito ng one million views sa Instagram sa loob lang ng limang oras.
Maraming netizens at viewers ang nakapansin ng natural chemistry ng dalawa, bagay na mas nagpaganda sa tema ng naturang video film.
Sa kasalukuyan, mayroon na itong two million views sa Instagram at patuloy na humahakot ng views at positive reactions sa iba pang online platform.
Panoorin ang video film sa ibaba:
Courtesy: Joshua Salva
Ang Sparkle star na si Ashley at Star Magic artist na si Rave ay parehong former housemates sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0, kung saan sila unang nagkakilala at nagkasama.
Sa reality competition na recent collab ng GMA at ABS-CBN, si Ashley ang itinanghal na Kapuso Third Big Placer, habang si Rave naman ay naging bahagi ng wildcard category.
Related gallery: Ashley Sarmiento and Rave Victoria's sweetest moments