GMA Logo Ashley Sarmiento, Caprice Cayetano, Princess Aliyah
Courtesy: Michael Paunlagui, GMANetwork.com
What's Hot

Ashley Sarmiento feels inspired by Caprice Cayetano and Princess Aliyah's personalities and stories

By EJ Chua
Published March 19, 2026 12:22 PM PHT

Around GMA

Around GMA

How many people have been killed in the US-Israeli war on Iran?
Brgy exec shot dead in Nueva Ecija
Roofing materials at food packs, hatid ng GMAKF sa mga binagyo sa Brgy. Pagsangahan | 24 Oras

Article Inside Page


Showbiz News

Ashley Sarmiento, Caprice Cayetano, Princess Aliyah


Ashley Sarmiento sa 'PBB Celebrity Collab Edition 2.0' ex-housemates na sina Caprice Cayetano at Princess Aliyah: “Silang dalawa 'yung ang dami kong nakukuhang aral.”

Grateful at happy si Ashley Sarmiento sa kanyang naging journey sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0, pero bukod dito, ipinagmamalaki rin niya ang mga nakasama niya sa loob ng Bahay Ni Kuya na kapwa niya mga Kabataang Pinoy.

Sa recent exclusive interview ng GMANetwork.com kay Ashley, nagkuwento siya tungkol sa mga naging housemate at nakasama niya bilang Kapuso Big Four na sina Caprice Cayetano at Princess Aliyah.

Binanggit ng Sparkle star ang mga pangalan nina Caprice at Princess bilang sagot sa tanong kung sino sa mga naging housemate niya ang nakapagbigay ng motivation at nakapag-share ng life lessons sa kanya sa loob ng Bahay Ni Kuya.

Ayon kay Ashley, “Ako parang sa lahat ng housemates personally mayroon po akong nakuha sa kanila kahit personally hindi nila sinasabi or hindi sila nagbibigay ng advice pero kung paano sila mismo makisama sa mga tao, kung paano nila i-handle 'yung mga situation at mga bagay, and the way they talk about their opinions ang dami kong nakukuha sa kanila.”

“Mostly, siguro kay Princess [Aliyah] and kay Caprice [Cayetano], silang dalawa 'yung ang dami kong nakukuhang aral. Nagkukuwento lang naman sila, nabubuhay lang naman sila na normal pero nai-inspire ako sa kanila kumbaga,” sabi niya.

Bukod sa kanyang fellow Sparkle stars na sina Caprice at Princess, nabanggit din ni Ashley na na-inspire rin siya sa halos lahat ng kanilang nakasama at bagong nakilala sa iconic house.

“Pero lahat po talaga ng housemates ang daming moments na nai-inspire ako na parang gusto ko rin ganito and ganyan,” pahabol niya.

Si Ashley Sarmiento ang itinanghal na Kapuso Third Big Placer, habang sina Caprice Cayetano at Princess Aliyah naman ay nagwagi bilang Kapuso Big Winner (Caprice) at Kapuso Fourth Big Placer (Princess).

Nasaksihan ang kanilang winning moments sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0 The Big Night na ginanap noong February 28.

Related gallery: Meet the fan-favorite ships in Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0