What's on TV

Ashley Sarmiento, gaganap bilang child bride sa 'Magpakailanman'

By Marah Ruiz
Published April 24, 2025 10:54 AM PHT
Updated April 24, 2025 3:00 PM PHT

Around GMA

Around GMA

BI reminds foreigners to show up for 2026 Annual Report
Dagan sa Panahon Sayran nato Karong Adlawa December 29, 2025 | Balitang Bisdak
The most controversial stories of 2025

Article Inside Page


Showbiz News

Ashley Sarmiento


Gaganap si Ashley Sarmiento bilang 13-year-old na ipinakasal ng kanyang mga magulang sa 'Magpakailanman.'

Ipapamalas ng Kapuso teen actress na si Ashley Sarmiento ang kanyang husay sa pag-arte sa bagong episode ng real-life drama anthology na Magpakailanman.

Sa episode na pinamagatang "Bata, Bata, Paano ka Kinasal?," gaganap siya bilang si Cherry, dalagitang nagtatrabaho bilang helper sa construction site para matulungan ang pamilya niyang naghihikahos.

Sa edad na 13 years old si Cherry, ipakakasal siya ng kanyang mga magulang sa isang mayamang businessman kapalit ang malaking halaga.

Dito na magsisimula ang paghihirap niya sa kamay ng malupit na asawa.

Makakatakas pa kaya si Cherry mula sa buhay na ito? Magkakaroon pa ba siya ng pagkakataong maging isang normal na bata?

Bukod kay Ashley Sarmiento, bahagi din ng episode sina Romnick Sarmenta, Maureen Larrazabal, Aidan Veneracion, William Lorenzo, at Mel Kimura.

SILIPIN ANG ILANG EKSENA NG EPISODE SA GALLERY NA ITO:


Abangan ang brand-new episode na "Bata, Bata, Paano Ka Kinasal?" April 26, 8:15 p.m. sa Magpakailanman.

Naka-livestream din nang sabay ang episode sa Kapuso Stream.