
Thankful ang Sparkle star na si Ashley Sarmiento sa simpleng birthday surprise na natanggap mula sa kanyang MAKA family.
Sa kanyang Instagram stories, ipinakita ni Ashley ang birthday cake na natanggap mula sa cast at crew ng MAKA.
Nagkaroon na ng outfit check ang cast members ng MAKA kung saan makikita sila sa kanilang bagong school uniform.
Dito, muling nakasama ni Ashley ang MAKA co-stars na sina Zephanie, Marco Masa, Olive May, Chanty, Sean Lucas, at May Ann Basa, maging ang bagong cast members na sina Elijah Alejo, Bryce Eusebio, Shan Vesagas, at Josh Ford.
Ipinagdiwang noong Lunes, January 13, ni Ashley ang kanyang 18th birthday kasama ang pamilya. Ngayon, naghahanda ang aktres para sa kanyang grand debut.
SAMANTALA, BASAHIN ANG MGA PAGBATING NATANGGAP NI ASHLEY SARMIENTO SA ILANG CELEBRITIES DITO: