GMA Logo Ashley Sarmiento
Image Source: ashleysarmiento__ (Instagram)
What's on TV

Ashley Sarmiento, lubos na nag-enjoy sa taping ng 'Black Rider'

By Marah Ruiz
Published July 23, 2024 7:26 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Gaza no longer in famine after aid access improves, hunger monitor says
28-anyos nga Lalaki, Gipusil sa Brgy. Calamba, Cebu City | Balitang Bisdak

Article Inside Page


Showbiz News

Ashley Sarmiento


Maraming magagandang experiences si Ashley Sarmiento sa 'Black Rider.'

Maganda ang mga iuuwing alaala ni young Kapuso actress Ashley Sarmiento mula sa top-rating full action series na Black Rider.

Lubos daw na nag-enjoy si Ashley sa pagtatrabaho sa serye dahil na rin sa mga taong nakilala niya rito.

"Sa buong Black Rider na taping days, naging ka-close ko mula sa artists hanggang sa staff. Every taping day nilu-look forward ko na makita sila, makipagkuwentuhan sa kanila. To the point na minsan kapag matagal kaming nasa tent lang, nakakalimutan ko na nasa taping nga pala ako kasi ganoon 'yung na-build naming relationship with each other as time goes by," kuwento ng aktres.

Naging malaking tulong daw para sa kanya ang mga nabuong pagkakaibigan sa set lalo na kapag may mahihirap at mabibigat silang mga eksena.

"Especially 'yung mga times na may massacre scenes, almost all cast nandoon so nakakapag-usap kami talaga. I think itong Black Rider, natutunan ko na importanteng makipag-connect sa mga other cast din, hindi lang sa set mismo na kapag kailangan niyang umarte. Magkakaroon ka ng new friendships, and of course, madami ka pang matututunan sa iba't ibang tao na tips kasi nakakapigkuwentuhan sa kanila, especially mga vetaran actors po sila," lahad ni Ashley.

Gumaganap siya sa serye bilang si Neneng B, isang dalagita na dating snatcher sa Quiapo. Sa nalalapit na pagtatapos ng Black Rider, mabubuo pa kaya ang pamilya ni Neneng B?

Image Source: ashleysarmiento__ (Instagram)



Patuloy na panoorin mga parating na episodes ng 2024 New York Festivals bronze medalist at 2024 Gandingan Awards Most Development-oriented Drama Program na Black Rider!

Ang Black Rider ay kuwento ng isang simpleng delivery rider na magiging bayani ng lansangan at haharap sa isang malaking sindikato.

Walang magpapaiwan sa papalapit na heroic finale ng full action series na Black Rider, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Prime.

May simulcast ito sa digital channel na Pinoy Hits at may delayed telecast naman sa GTV, 10:00 p.m.

Maaari rin itong mapanood via livestream sa Kapuso Stream.