
May dalang kilig vibes hanggang sa Bahay Ni Kuya ang kilalang Kapuso love team na AshCo, na tambalan nina Ashley Sarmiento at Marco Masa.
Sa previous episodes ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0, nasaksihan ng viewers ang kulitan ng AshCo.
Bukod dito, marami ring nakapansin sa saya na naramdaman ng Sparkle stars nung nagkita sila sa loob ng Bahay Ni Kuya sa mismong pagbubukas nito para sa bagong season.
Mapapanood sa TikTok ang ilang video edits, kung saan tampok ang kilig moments ng dalawang Kapuso housemates.
Narito ang reaksyon at komento ng netizens sa kanilang samahan sa iconic house.
Si Ashley ay kilala sa teleserye ng totoong buhay bilang Ang Longing Sweetheart ng Las Pinas, habang si Marco ay kilala rito bilang Wonder Brother ng Antipolo.
Bago sila ipinakilala bilang official housemates ni Kuya, magkasama silang napanood sa intense drama series na Akusada.
Related content: Meet the 20 housemates of 'Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0'