GMA Logo Marco Masa and Ashley Sarmiento
Courtesy: ashleysarmiento_ IG, villagepipol IG, itsmemarcomasa IG
What's Hot

Ashley Sarmiento, Marco Masa, kinilala ng VP Choice Awards ang performances sa 'Akusada'

By EJ Chua
Published April 30, 2026 3:05 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Sangkaterbang sibuyas na 'di maibenta at nasira, itinapon na lang
APO, GIVE-UP na mag-aral para alagaan si LOLA | Barangay Love Stories
BINI meets Laufey at Billboard Women In Music 2026

Article Inside Page


Showbiz News

Marco Masa and Ashley Sarmiento


Wagi sina Ashley Sarmiento at Marco Masa bilang TV Supporting Actress and Actor of the Year sa 7th Village Pipol Choice Awards!

Kinilala ng 7th Village Pipol o VP Choice Awards ang acting skills nina Ashley Sarmiento at Marco Masa.

Sa naturang big event, pinarangalan si Ashley bilang TV Supporting Actress of the Year, habang si Marco ay kinilala rito bilang TV Supporting Actor of the Year.

Ang awards na kanilang natanggap ay mula sa ipinakita nilang husay sa pag-arte sa 2025 GMA intense drama series na Akusada.

Nasaksihan dito ang mabibigat na eksena ng Kapuso stars na talaga namang nagpagigil at nagpaluha sa mga manonood.

Itinampok din sa serye ang kanilang mga sagutan at maging ang mga nakakakilig din nilang eksena.

Si Ashley Sarmiento ay nakilala sa intense drama bilang si Amber, ang panganay na anak ni Wilfred (Benjamin Alves).

Napanood naman sa serye si Marco bilang si Tristan, ang kapatid ni Carol na karakter ng Kapuso actress na si Andrea Torres.

Samantala, bago pa pumasok noon sina Ashley at Marco sa Bahay Ni Kuya para sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0, nakilala ang dalawa bilang loveteam na tinawag ng marami na AshCo.

Related gallery: The many times Ashley Sarmiento and Marco Masa made us go kilig