
Isang special celebration ang naganap para sa 19th birthday ni Rave Victoria.
Dito ay nakasama at naka-bonding niya ang kanyang loved ones at ang kanyang naging housemates sa loob ng Bahay Ni Kuya.
Isa na sa kanila ay si Ashley Sarmiento, ang Sparkle star na isini-ship ng viewers at netizens sa Star Magic artist na ngayon ay nililigawan na ng huli.
Related gallery: Meet the fan-favorite ships in 'Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0'
Sa parte ng celebration kung saan magbibigay ng mensahe para kay Rave, naramdaman ang kilig ng mga bisita sa birthday greeting ni Ashley para kay Rave na mapapanood sa ilang videos na in-upload ng kanilang fans online.
Sabi ni Ashley, “Happy happy birthday. I just want to say na ang daming proud sa 'yo and isa ako roon. Alam mo parang first few days and first few weeks sobrang drawn into you na ako kasi sobrang bait nitong taong 'to lalo na nung nalaman ko kung ano 'yung mga napagdaanan mo sa buhay. Na-inspire talaga ako sa story and sa goodness mo.”
Kasunod nito, binanggit ng Kapuso star ang kanyang desire na mas makilala pa si Rave sa pagdaan ng panahon.
Mensahe niya, “Every day mas nakikilala pa kita kasi nalaman ko nga kung gaano ka ka-genuine na tao. Marami kang napapasaya and isa ako roon. Alam ko marami pa akong malalaman tungkol sa 'yo but one thing is for sure is alam namin kung sino ka at 'yung puso mo…”
“The best thing na gusto ko sa 'yo is 'yung genuine heart mo. Happy birthday,” pahabol ni Ashley.
Bukod kay Ashley, spotted din sa birthday party ni Rave ang ilan pang Kapuso at Kapamilya ex-housemates ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0 na sina Caprice Cayetano, Heath Jornales, Princess Aliyah, Marco Masa, Sofia Pablo, Lella Ford, Miguel Vergara, Eliza Borromeo, Reich Alim, at iba pa.
Samantala, kilala sina Ashley at Rave bilang AshRave at patuloy na nakasubaybay ang fans sa kanilang current relationship status.