
May kilig moments sa loob ng Bahay Ni Kuya ang girl housemates ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0.
Labis na tuwa ang naramdaman nina Ashley Sarmiento at Princess Aliyah sa pagdating ng kanilang mga celebrity crush bilang houseguests sa iconic house.
Sila ay ang sikat na heartthrobs sa showbiz na sina Joshua Garcia at Piolo Pascual.
Si Joshua ay celebrity crush ni Ashley at si Piolo naman ay isa sa iniidolo ni Princess sa Philippine entertainment industry.
Napanood sa previous episodes ng teleserye ng totoong buhay na tila hindi mapakali ang Sparkle stars nang nakaharap nila ang dalawa sa loob ng Bahay Ni Kuya.
Hindi nila pinalampas ang pagkakataon na ito kaya't kasabay sa paglapit nila ay nag-request pa sila ng hug mula kina Joshua at Piolo.
Mapapansin din sa ilang video edits sa TikTok ang kilig moments nina Ashley at Princess na inipon ng kanilang fans.
Samantala, sina Joshua at Piolo ay mga nagbabalik sa iconic house dahil naging parte na rin sila noon ng teleserye ng totoong buhay.
Si Joshua Garcia bilang sa housemates at si Piolo Pascual naman ay bilang bisita sa Pinoy Big Brother: Balikbahay.
Mapapanood ang reality competition ng live sa GMA at Kapuso Stream weekdays, 9:40 p.m., Sabado, 6:25 p.m., at Linggo sa oras na 10:05 p.m..
Maaari ring subaybayan ang mga kaganapan sa loob ng Bahay Ni Kuya sa All-Access Livestream ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0.
Related gallery: Meet the 20 housemates of Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0: