
Ramdam ang pagkasabik ng Kapuso actress na si Ashley Sarmiento na muling makita ang kaniyang Mommy Jovel Altoveros.
Sa December 24 episode ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0, hindi lang nayakap ni Ashley si Mommy Jovel, nakatanggap pa siya ng special gift mula sa kaniya.
“Sobrang saya po, Kuya. Hindi ko alam kung paano maipaliwanag 'yung nararamdaman ko po, Kuya,” sabi ni Ashley sa confession room.
Pagpapatuloy niyang kuwento, “Napakagandang regalo po nito po para sa akin [na] makita at maramdaman 'yung presensya [niya]. Kung hindi makausap po at marinig ko po ulit yung boses ng mom ko po, Kuya, at makamusta po siya, Kuya.”
Source: ashleysarmiento_IG
Ayon kay Mommy Jovel, laging kasama sa mga dasal niya ang anak habang nasa loob ito ng PBB house. “Pinagpe-pray kita lagi na maging strong.”
Sabay pag-amin ng Sparkle Teen, “Hindi ko na kaya maging strong.” Sabay bumuhos ang luha ni Ash. “Ang hirap.”
Paalala naman sa kaniya ni Mommy Jovel: “Kaya mo 'yan. Ganun talaga.”
Inilarawan naman ni Ashley bilang fulfilling ang reunion niya sa kaniyang ina. “Kuya, nakakagaan po sa loob, sobrang fulfilling po ng moment, Kuya, na makita ko po siya uli.Tapos grabe, Kuya, parang feeling ko bata po uli ako na nagsusumbong sa nanay ko.”
RELATED CONTENT: Meet the charismatic teen star, Ashley Sarmiento