
Usap-usapan online ang paglabas ni Rave Victoria mula sa Bahay Ni Kuya kasunod ng fourth eviction sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0.
Kasabay ng pag-welcome sa kanya ng outside world, personal niyang na-meet ang mommy ni Ashley Sarmiento, ang Kapuso housemate na isini-ship sa kanya at naging ka-duo niya sa Big Brother house.
Sa isang video sa social media na inupload ng netizen na si Jovelyn, napanood ang pagkikita at pag-uusap ng mommy ni Ashley at ni Rave.
Unang sinabi ni Mommy Jovel kay Rave, “Bakit mo iniwan anak ko?”
Kasunod nito, ibinahagi na ng huli na masaya siyang nakilala niya si Ashley at nabanggit niyang mabuting tao ang Sparkle star.
Pahayag ni Rave, “Sorry po, sorry po pero happy po ako na nakilala ko anak n'yo. Sobrang bait niya.”
“Ibabalik ka namin,” sabi naman ni Mommy Jove sa ex-housemate na si Rave.
Kabilang sina Ashley Sarmiento at Rave Victoria sa pinag-uusapang pairings sa loob ng Bahay Ni Kuya sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0.
Sa usapin tungkol sa wildcard, si Rave kaya ang ex-housemate na makakabalik sa Bahay Ni Kuya?
Patuloy na tumutok sa mga kaganapan sa loob ng Bahay Ni Kuya sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0.
Mapapanood ang reality show ng live sa GMA at Kapuso Stream, weekdays, 9:40 p.m. at 6:15 p.m. naman tuwing Sabado at Linggo.
Maaari ring subaybayan ang mga kaganapan sa loob ng Bahay Ni Kuya sa All-Access Livestream.
Related gallery: Meet the fan-favorite ships in 'Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0'