GMA Logo ashtine olviga
Courtesy: Random Republika (right), Nherz Almo (left)
What's Hot

Ashtine Olviga, sa kanyang viral statue: 'Hala! Ako pala yun?!'

By Nherz Almo
Published June 26, 2026 6:28 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Lalaking bag-ong graduate sa kolehiyo, samdan human gipusil I One Mindanao
Temperatures forecast to reach exceeding 30° Celsius in Chamonix
Pinoy energy electrifies '&FRIENDS Festival 2026'

Article Inside Page


Showbiz News

ashtine olviga


Alamin ang reaksiyon ni Ashtine Olviga sa mga nagsasabing hindi niya kamukha ang statue sa Startista Gallery rito:

Natutuwa raw si Ashtine Olviga na napasama siya sa mga artistang ginawan ng statue sa Startista Gallery na inilunsad kamakailan.

Nitong Huwebes, June 25, nakausap ng GMANetwork.com at iba pang entertainment media si Ashtine tungkol dito sa press conference ng kanyang first solo concert, ang Love Like Ashtine, na gaganapin sa New Frontier Theater sa August 23.

Sabi ng dalagang aktres, “Malaking bagay po yung masala ako sa ganun, lalo na kakakilala pa lang po sa akin sa showbiz.”

Ayon kay Ashtine, ang actor-singer na si Wilbert ang unang nagpadala sa kanya ng larawan ng kanyang estatwa.

Paglalahad niya, “Sabi niya, 'Kamukha mo.' Akala ko kamukha ko lang talaga. 'Tapos, hala, ako pala talaga yun!

“Nakakatuwa kasi ang galing, parang hindi ko ini-expect na masasali po ako sa ganun. It's an honor po.”

Ipinagkibit-balikat naman ni Ashtine ang mga komentong nagsasabing hindi niya kamukha ang estatwa.

Pabirong hirit niya, “Okay lang. Siguro gawa nung bangs po. Pero kapag nawala na yung bangs…”

Bukod kay Ashtine, tampok din dito ang Kapuso stars na sina Michael V., Paolo Contis, at ang female celebrities na sina Pops Fernandez, Ruffa Gutierrez, Angel Aquino, Lisa Macuja-Elizalde, at mararami pang iba.

Ngayong nahanay siya sa mga sikat at mas matagal na sa showbiz, tinanong GMANetwork kung nararamdaman na ba ni Ashtine ang successful na siya sa showbiz.

“Ang gulo nga po, eh,” sagot ng 27-year-old actress.

“Parang di ko po masabi na, 'Wow, I've made it.' Pero masasabi ko po na malayo po ang pinanggalingan ko sa kung nasaan man ako ngayon.”

Nabanggit din ni Ashtine na sobra ang pasasalamat niya sa lahat ng mga opportunities na natatanggap niya, pati sa mga suporta at pagmamahal mula sa fans at mga nakakatrabaho niya.

“Parang with all those experiences, parang mas na-learn ko i-treasure kung ano yung mga blessings na nakukuha ko—maliit man o malaki. Alam n'yo po, with those experiences din, naho-hone po ako, hindi lang yung artistry ko o yung craft ko kundi pati yung pagkatao ko mismo.”

Sa kanyang Love Like Ashtine, babalikan daw ni Ashtine ang kanyang mga showbiz experience kasabay ng mga performance na inihahanda niya para sa mga manonood sa August 23.

Related gallery: Anne Curtis, Catriona Gray, Pia Wurtzbach, and other Filipinos who have their own Madame Tussauds wax figures