
Sa gitna ng kanilang pangangampanya para sa Webby Awards, nabanggit ng Asian TV Awards na nais nilang makuhang hosts ang phenomenal love team nina Alden Richards at Maine Mendoza.
Sa katunayan, sinimulan na raw nila ang negosasyon para makuha bilang hosts para sa kanilang awards show ngayong taon ang dalawa.
"After being a part of ALDUB Nation, we even managed to get Alden Richards to our awards in 2016. Just for you, we have already started negotiations on bringing ALDUB to this year's awards," sulat nila sa kanilang official Facebook account.
Minsan nang nag-host si Alden ng Asian TV Awards noong 2015. Naging co-hosts niya dito ang ilang celebrities mula sa iba't ibang bahagi ng Asya tulad nina Adrian Pang, Stephanie Carrington, and Baki Zainal.
Narito ang buong post ng Asian TV Awards:
Kasalukuyan namang nasa Amerika sina Alden at Maine para sa KS sa US concert kasama sina Jose Manalo, Wally Bayola at Paolo Ballesteros.
Pagbalik nila, balik-taping sila para sa kanilang GMA Telebabad series na Destined To Be Yours.
MORE ON ALDUB:
EXCLUSIVE: Alden Richards and Maine Mendoza play 'Me-Not Me'
EXCLUSIVE: Alden Richards and Maine Mendoza take you on a virtual set tour of 'Destined To Be Yours'