What's on TV

Assunta de Rossi at Matet de Leon, stage moms?

By CHERRY SUN
Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated March 16, 2020 6:44 AM PHT

Around GMA

Around GMA

15 ka balay, nasunog sa San Juan, Molo; malapit 50 ka indibidwal, apektado | One Western Visayas
Senate issues show cause order vs Zaldy Co, 5 others
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News



Kilalanin sa Linggo (June 26) ang mag-BFF's na laging nagpapatutsadahan na sina Chacha at Bekbek.  

Mula pagkabata hanggang magkaroon na ng anak ay nagpapatalbugan sina Assunta de Rossi at Matet de Leon sa kuwentuwaang matutunghayan sa Dear Uge ngayong Linggo, June 26.

Ayaw magpatalo nina Chacha (Assunta) at Bekbek (Matet) sa isa’t isa kahit noong best friends sila. Isasali nila sa isang contest ang kanilang mga anak. Madadala nila ang kanilang pagiging competitive bilang mga nanay sa naturang competition. Dahil dito ay madadamay sa gulo ang kanilang mga anak.
 
SNEAK PEEK: ‘Little Miss Diva’

Pati ba ang away ng ina ay mamamana pa ng kanilang mga chikiting? Nasaan na si Eugene Domingo para umeksena sa sitwasyong ito?

Tutok na ngayong Linggo, June 26, sa Dear Uge pagkatapos ng Sunday PinaSaya.