
Balik Kapuso ngayon ang aktres na si Assunta de Rossi para gumanap bilang Amanda sa upcoming teleserye na Magkaibang Mundo. Si Amanda ang ina ni Princess, na gagampanan naman ni Louise delos Reyes. Unang pagtatambal din ito nina Louise at Juancho Trivino.
Almost 14 years na ang nakalipas nang huling lumabas sa isang Kapuso show si Assunta, kaya excited siyang mapasama sa nasabing Afternoon Prime series.
"Sabi ko, try ko naman maka-experience ng soap sa GMA because I have never done that eh. Ang ginagawa ko before, bukod sa mga comedy shows, mini series. Mga once a week lang," kuwento niya in an exclusive interview with GMANetwork.com.
Dagdag pa niya, "I've never experienced 'yung talagang full time na soap [dito] na thrice a week ang taping, Monday to Friday ang airing. It's a nice opportunity, so why not? Tutal wala naman na akong ginagawa."
Kung first time niyang magka-teleserye sa GMA, hindi naman daw ito ang unang beses na naging nanay siya sa isang teenager tulad ni Louise. Hindi na daw issue sa aktres kung bigyan man siya ng mother roles.
"Ako kasi talaga hindi naman ako choosy, ever since naman. Parang for me, as an artist, you should be able to do anything, if not everything. Ako naman hinahayaan ko na lang lagi ang audience ang mag-judge. Kung sa tingin nila hindi bagay sa akin, at least sila ang nagsabi, 'di ba? Nakaka-flatter din 'yun kung [sabihin nila na] 'Hindi ka bagay, mukha kayong mag-ate.' Wow, thank you!"
MORE ON MAGKAIBANG MUNDO:
Isabelle de Leon is a first time kontrabida in 'Magkaibang Mundo'
LOOK: Behind-the-scenes of 'Mas Mainit Ang PaGMAmahalan'