
Muling maghaharap ang mga dating magkakaibigan mula sa iconic youth-oriented variety show ng GMA noong dekada '80 at '90 sa Throwback Thursday episode ng Family Feud!
Ngayong May 7, tampok ang espesyal na reunion ng cast ng That's Entertainment sa “Summer Tawa, Summer Saya” episode ng Family Feud.
Mangunguna sa That's Originals si Bamba, ang 1985 FAMAS Best Child Actress na ngayon ay abala sa online jewelry business gamit ang kanyang kaalaman sa production design. Makakasama niya sina Assunta de Rossi, na isa nang entrepreneur ng natural wellness at self-care products at ina ng limang taong gulang na anak, pati na rin si multi-awarded dramatic child actor Jaypee De Guzman na ngayo'y abala sa consultancy work at automotive business. Kasama rin nila si G.B. Sampedro, na ngayon ay isang filmmaker, producer, at concert/events director.
Samantala, pamumunuan naman ni Jennifer Mendoza ang That's Generation. Kilala bilang isa sa mga leading lady noong dekada '90, si Jennifer ay isa na ngayong mom of two at manager ng kanilang family manpower supplier business. Makakasama niya sina singer, dancer, host, at actress na si Shirley Fuentes, na naging dating kasama rin ni Assunta sa Bubble Gang; si Jochelle Olalia, na ngayon ay Senior Vice President sa BPO (Business Process Outsourcing) /BPM (Business Process Management) industry; at si Mike Luis, isang vocal coach, composer, at musician na kasalukuyang frontman ng mga bandang Brass Pas Pas Pas Pas at Nxt Level.
Abangan ang masayang kuwentuhan, throwback moments, at marami pang iba sa fresh episode ng Family Feud ngayong Huwebes, May 7, 5:35 p.m. sa GMA at sa Kapuso Stream.
Patuloy pa rin ang mas pinalawak na “Guess More, Win More” promo ng Family Feud. Network-wide na ang bigayan ng papremyo dahil kasali na rin sa "Guess More, Win More" ang GMA Afternoon Prime at GMA Prime programs na Born to Shine, House of Lies, Apoy sa Dugo, Fast Talk with Boy Abunda, The Sweetest Taboo, Encantadia Chronicles: Sang'gre at Never Say Die.