What's Hot

Assunta de Rossi, naiyak nang magkuwento tungkol sa "miracle baby" niyang si Baby Fiore

By Felix Ilaya
Published November 29, 2020 5:28 PM PHT

Around GMA

Around GMA

24 Oras Weekend Express: December 21, 2025 [HD]
Farm to Table: (December 21, 2025) LIVE
Content creator Arshie Larga reveals his biggest investment in 2025

Article Inside Page


Showbiz News

Assunta De Rossi


Hindi pa rin makapaniwala ang aktres na si Assunta de Rossi na biniyayaan siya ng anak na si Baby Fiore dahil ilang beses na hindi nagtagumpay ang ilang In Vitro Fertilization (IVF) Procedures.

"I hope she knows how much we wanted her," emotional na sinabi ni Assunta de Rossi nang hingan ng mensahe para sa kaniyang anak na si Baby Fiore.

Isang post na ibinahagi ni Sammy Whammy (@assuntaledesma)

Kuwento ni Assunta sa kaniyang interview sa 24 Oras, maituturing raw na "miracle baby" si Baby Fiore sapagka't pagkatapos ng ilang In Vitro Fertilization (IVF) Procedures na hindi naging matagumpay, laking gulat na lang nila ng asawa niyang si Jules Ledesma na nabuntis siya sa natural na pamamaraan.

"'Yung feeling mo, nawawalan ka rin ng time. Kasi siyempre 37 na ako 'eh. Ano pa ba, maghahabol pa ba ako? What else do I have to do? Mag-a-abroad na ba kami tapos kukuha na lang kami ng surrogate? Kasi gusto talaga namin biological eh," aniya.

Ngayong isinilang na niya si Baby Fiore noong October, pinapangako ni Assunta na maging isang huwarang ina para sa kaniyang anak.

"Sana huwag siyang lalaking matigas ang ulo, sana huwag siyang lalaking maldita o pasaway.

"I really did promise God that I will really love her and I will raise her to be God-fearing.

"Nu'ng nag-one month siya I was so, so, so emotional kasi sabi ko 'Hindi ako makapaniwala pa rin until now na nanggaling siya sa akin.'"

"And I just love her. Mahal na mahal namin siyang lahat. Iba 'yung happiness na nadala niya," ika ni Assunta.

Kung hindi naglo-load nang maayos ang video sa itaas, maaaring mapanood ang panayam ng 24 Oras kay Assunta dito.