
Maraming nakarelate sa Instagram post ng former Bubble Gang comedienne na si Assunta De Rossi tungkol sa pagiging hands-on mom kay Baby Fiore.
Isinilang ni Mommy Assunta ang anak nila ng former politician na si Jules Ledesma noong October 2020.
Sinabi niya sa kanyang post na walang papantay sa pagod at puyat ng isang ina, kahit ikumpara pa ito sa naranasan niyang pagod noong nag-aartista pa siya.
“25 years of stress and puyat from showbiz is no match to motherhood. I'm awake 14-15 hours during the day, and the rest I wake up every 1-3 hours for feeding or resettling. Very exhausting, but I'll get through this. Baby is healthy and happy, and that's all that matters.”
Napa-comment ang highly-respected TV-movie star na si Dawn Zulueta sa experience ni Assunta. Sabi niya, “Oh Yes, I remember how exhaustion brought me to tears! Hang in there.”
Source: assuntaledesma (IG)
Ikinasal sina Assunta at Jules sa isang civil wedding ceremony sa San Carlos City noong December 2002 at idinaos ang kanilang church wedding sa Santuario de San Antonio Parish sa Forbes Park, Makati City noong March 2004.
Balikan ang naging pregnancy journey ni Mommy Assunta sa gitna ng COVID-19 pandemic sa gallery below: