GMA Logo Astrophile
What's Hot

'Astrophile', malapit na sa GMA Heart of Asia!

By Mark Joseph F. Carreon
Published January 22, 2026 6:00 PM PHT
Updated January 22, 2026 6:00 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Anti-kidnap ops nab suspects in Pasay City and Cajidiocan, Romblon
PCG substation chief relieved as search expands for boat passengers, crew
Morgan Jay adds shows to 'Goofy Guy Tour' in Manila

Article Inside Page


Showbiz News

Astrophile


Feel the warmth ngayong love month with Astrophile, ngayong February 2 na!

Salubungin ang buwan ng pag-ibig kasama ng GMA Network sa paparating na Philippine television premiere ng hit Thai romantic-drama na Astrophile.

Magkakasama ang tatlo sa pinakasikat na stars ng Thailand, sina Bright Vachirawit Chivaaree, Mai Davika Hoorne, at Off Jumpol Adulkittiporn, sa isang kwentong nakasulat sa mga bituin.

Sundan ang buhay ni Natalie (Mai Davika Hoorne), isang matapang na home shopping host na palihim na nakikipaglaban sa bigat at pressure ng kanyang career. Magbabago ang kanyang mundo sa muling pagtatagpo nila ni Kenneth (Bright Vachirawit Chivaaree).

Sa gitna ng magulong buhay ni Natalie, isang hindi inaasahang pagkakataon ang muling maglalapit sa kanya kay Kenneth. Ito ang magiging simula ng mga kaganapang magtutulak sa kanya na balikan niya ang past upang maintindihan ang future.

Nariyan din si Toby (Off Jumpol Adulkittiporn), ang kanyang producer na may pagtingin din sa kanya. Ang paghahanap ni Natalie sa kanyang "The One" ay magiging isang maganda at star-studded tug-of-war sa pagitan ng dalawa.

Magtagpo kaya ang mga bituin para sa kanilang pag-ibig?

Abangan ang premiere ng Astrophile, ngayong February 2, 9 a.m. on GMA.