GMA Logo Ate Gay
Photo from iamhearte (IG) and Kapuso Stream via GMA Network YT channel
What's on TV

Ate Gay, malaki ang pasasalamat kay Heart Evangelista

By Jansen Ramos
Published March 31, 2026 6:41 PM PHT
Updated March 31, 2026 6:42 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Asia barters for scarce energy as Iran crisis throttles supplies
Davao del Norte guv says diesel import plan with Malaysia still exploratory
Ateneo implements temporary restrictions on international and domestic travel across the Higher Education cluster

Article Inside Page


Showbiz News

Ate Gay


Ayon sa komedyante na si Ate Gay, buwan-buwan siyang pinapadalhan ni Heart Evangelista ng allowance para sa kanyang pagpapagamot.

Abot-abot ang pasasalamat ng sikat na impersonator ni Superstar Nora Aunor na si Ate Gay, o Gil Aducal Morales sa tunay na buhay, sa mga tumulong at tumutulong sa kanya para sa kanyang patuloy na paggaling matapos ma-diagnose ng stage four mucoepidermoid carcinoma, isang rare salivary gland cancer.

Isa na riyan ang Sparkle artist na si Heart Evangelista, na sumasagot sa pang-araw-araw na gastusin ng komedyante.

Sa guest appearance ni Ate Gay sa Fast Talk with Boy Abunda ngayong Martes, March 31, sinabi niya na matagal na silang magkakilala ni Heart simula noong nagtrabaho siya sa restaurant ng pamilya ng aktres at fashion influencer.

Aniya, "Napakabuti ni Heart. Si Ma'am Heart, 'yan 'yung nakilala kong pinanganak na may gintong kutsara sa labi. Kasi bata pa lang po ako, nakikita ko na siya, nagwo-work ako sa Singing Cooks and Waiters, ang babait nila lahat."

Ayon pa kay Ate Gay, si Heart mismo ang gumawa ng paraan para makontak siya nito muli. "Tumawag 'yung PA niya kay RJ Franco, manager ni Allan K, tapos ayun, nag-connect na kami. Tapos monthly niya po ako binibiyayaan."

Binunyag din ni Ate Gay na in-offer-an siya ni Heart na magpagamot sa Singapore. Ika niya, "Actually, nu'ng si Miss Chaye (Cabal-Revilla) ay nag-offer ng Asian Hospital, si Miss Heart, in-offer-an niya ako pumunta ng Singapore. E nauna si Miss Chaye kaya ayun na lang ang bigay ni Miss Heart. Thank you, Miss Heart."

Bukod kay Heart, labis din ang pasasalamat ni Ate Gay sa iba pang taong nagpaabot ng tulong sa kanya gaya nina Coco Martin, Jolo Revilla, Mark Lapid at ama nitong si Senator Lito Lapid, at kaibigan niyang si Allan K.

Ngayong Martes Santo, ibinahagi ni Ate Gay ang kanyang pagninilay matapos makatanggap ng suporta mula sa mga taong malalapit sa kanya, na nagbigay sa kanya ng panibagong pag-asa.

Aniya, "Kumbaga, naniniwala ako sa kung ano ang iyong itinanim, 'yun ang aanihin mo. Nakita ko silang lahat sa panahon na kailangan ko sila. Hindi ko hiningi, kusa silang dumating sa buhay ko, kusa silang nagbigay nang hindi ako nanghingi. Ayun ang kinakaano ng puso ko."

Samantala, masayang ibinalita ni Ate Gay na maayos na ang kanyang kalagayan at tinatapos ang kanyang immunotherapy para sa patuloy niyang paggaling.

RELATED: KILALANIN ANG IBA PANG CELEBRITIES AT MGA PERSONALIDAD NA NAGKAROON NG HEALTH STRUGGLES