
Marami ang talaga namang nalungkot at nagulat sa kalagayan ngayon ng stand-up comedian na si Ate Gay.
Kasalukuyang nakikipaglaban si Ate Gay sa Stage 4 cancer, dahilan kung bakit nahinto siya sa pagpapatawa at pagpe-perform on stage at maging sa telebisyon.
Sa bagong video ni Ogie Diaz sa YouTube, mapapanood ang seryosong panayam niya sa comedian-actor.
Dito ay inilahad ni Ate Gay ang mga payo at bilin niya sa kapwa niya stand-up comedians.
Pahayag niya, “Dahan-dahan sa work, pakiramdaman ang sarili, mag-ipon… kumuha ng health insurance.”
“Ang aim dapat gabi-gabi ay magpasaya hindi lang kumita,” pahabol niya.
Sa panayam, sinabi niya na ang kanyang pamilya, lalo na ang kanyang mga pamangkin, ang nagsisilbing sandalan niya sa kanyang pinagdadaanang pagsubok.
Samantala, ayon pa kay Ate Gay, isa sa kanyang mga doktor ang nagsabi umano na hindi na siya aabot sa 2026, bagay na hindi niya masyadong pinagtuunan ng pansin dahil patuloy siyang umaasa sa himala.
Matatandaang noong 2021, nalagpasan ni Ate Gay ang sakit na pneumonia.
Related content: IN PHOTOS: Celebrities who got diagnosed with pneumonia