GMA Logo Nora Aunor and Ate Gay
Source: IMDB and Fast Talk with Boy Abunda
What's on TV

Ate Gay, sinabi ang isang bagay na ginagawa ng impersonators na hindi nagustuhan ni Nora Aunor

By Kristian Eric Javier
Published April 1, 2026 11:41 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Rubio says US can see 'finish line' on Iran war
Toddler rescued after falling off boat in Zambales
These are the schedules of Intramuros churches and chapels for Visita Iglesia 2026

Article Inside Page


Showbiz News

Nora Aunor and Ate Gay


Kuwento ni Ate Gay, madalas daw pinapanaood ni Nora Aunor ang kniyang mga impersonator noon.

Hindi maipagkakaila na isang malaking tagahanga ni Superstar Nora Aunor si Ate Gay, o Gil Aducal Morales sa tunay na buhay. Sa katunayan, sa sobrang pagkaidolo niya sa namayapang beteranang aktres ay ini-impersonate niya ito.

Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Martes, April 1, ibinahagi ni Ate Gay na bilang fan, alam niya ang lahat ng mga kanta ni Nora, o kilala rin bilang si Ate Guy, at ang kaniyang paraan ng pag-arte. Itong mga bagay na ito ang naisasama niya sa pag-i-impersonate sa aktres, bagay na napanood naman ng beteranang aktres noong buhay pa ito.

“Napanood po ako. Lagi, pinapanood niya kaming mga impersonators niya at ayaw na ayaw niya 'yung gumaganu'n (pointing up) kami. Ayaw niya, hindi naman daw siya gumaganu'n,” pagbabahagi ni Ate Gay.

Bukod sa panonood ni Nora sa kaniyang performances, may isang pagkakataon pa na naimbitahan niya ang idolo sa entablado ng kaniyang concert. Pag-amin ng komedyante, ito ang isang bagay na hinding-hindi niya malilimutan.

“Nu'ng nag-guest siya sa aking solo concert sa Mall of Asia Arena. Ayun ang hindi ko makakalimutan, na um-oo agad siya. Tsaka umakyat siya sa stage,” sabi ni Ate Gay.

KILALANIN ANG CELEBRITIES AT PERSONALITIES NA INALALA SI SUPERSTAR NORA AUNOR SA GALLERY NA ITO:

Matatandaan na noong April 17, 2025 ay kinumpirma ng mga anak ni Nora na pumanaw na ang Superstar.

Post ni Ian De Leon sa kaniynag Facebook account, “With deep sorrow and heavy hearts, we share the passing of our beloved mother, Nora C. Villamayor “Nora Aunor” who left us today April 16, 2025 at the age of 71.”

"She was the heart of our family -- a source of unconditional love, strength, and warmth. Her kindness, wisdom, and beautiful spirit touched everyone who knew her. She will be missed beyond words and remembered forever,” pagpapatuloy ng aktor.

Panoorin ang panayam kay Ate Gay dito: