GMA Logo ruru madrid and athena madrid
Source: gmanetwork (IG) and reremadrid (IG)
What's Hot

Athena Madrid, napagalitan ni Ruru Madrid dahil sa costume niya sa The Sparkle Spell?

Published November 7, 2022 12:50 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Iran protests abate after deadly crackdown, Trump says Tehran calls off mass hangings
Vendors in Aklan fall victims to fake P1,000 bills
Nadine Samonte finds joy in collecting of designer figure

Article Inside Page


Showbiz News

ruru madrid and athena madrid


Ayon sa 'Unica Hija' star na si Athena Madrid, pinagsabihan siya ng overprotective niyang kuya na si Ruru Madrid na magsuot ng jacket sa 'The Sparkle Spell.'

Hindi naiwasang matanong ang Kapuso actress na si Athena Madrid tungkol sa pagiging overprotective ng kanyang nakatatandang kapatid na si Ruru Madrid sa virtual media conference ng Unica Hija noong October 25.

Sexy ang image na ipinapakita ni Athena, na kilala ring Rere sa social media, bagay na tinataasan ng kilay ng kuya niyang si Ruru.

Matatandaang pabirong pinagsabihan ni Ruru si Athena na mag-pants nang pumunta sa isang fashion event suot ang sobrang iksing romper.

Sa nasabing mediacon, inusisa si Rere kung nag-react din ba si Ruru sa kanyang sexy Marimar costume sa The Sparkle Spell na ginaganap noong October 23.

Ani Athena, "Hindi mag-bra 'yung sinabi n'ya e, mag-jacket daw ako."

May pagka-"kill joy" nga raw si Ruru pagdating sa kanyang mga nakababatang kapatid na puro babae. Ang younger sister nina Ruru at Rere ay nagngangalang Chayanne Chloie, na may palayaw na Rara.

KILALANIN ANG IBA PANG KAPATID NG ILANG CELEBRITIES SA GALLERY NA ITO: