GMA Logo Atom Araullo
What's Hot

Atom Araullo, bakit hindi itinuloy ang pag-arte?

By Kristian Eric Javier
Published May 7, 2024 4:50 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PBA: Head coach LA Tenorio activated for Magnolia; Andrada, Abis also get green light
Gabbi Garcia reveals PCOS diagnosis, champions body positivity
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras

Article Inside Page


Showbiz News

Atom Araullo


Bago pa napanood sa TV bilang broadcaster, muntik na rin mapanood si Atom Araullo bilang isang aktor. Alamin dito ang kaniyang kuwento.

Bago pa naging batikang journalist, documentarist, at broadcaster ang 24 Oras anchor na si Atom Araullo, muntik na siyang lumabas sa TV bilang isang aktor. Ngunit ayon sa kaniya, hindi siya komportable sa ideya ng pagiging isang artista.

Sa 100th episode ng Surprise Guest with Pia Arangel podcast, ikinuwento ni Atom na high school pa lang siya noon nang may nag-imbita sa kaniya para sa isang audition para sa isang teleserye.

Aniya, “It was, uh, a teleserye, if I remember correctly. I don't recall which particular one. Pero, kahit noon, ano na 'yan, naka-feel ako ng discomfort.”

Dito sinabi ni Atom na sobrang mahiyain siya at kahit pa may experience na siya noon sa theater acting ay na-overwhelm pa rin siya.

“'Pag pinapanood ko 'yung buhay ng mga artista, parang feeling ko hindi ko rin kakayanin,” sabi pa niya.

Aminado rin ang batikang broadcaster na naging interesado rin naman siya noon sa pag-aartista. Ngunit sa huli, sinabi niyang ang nakabuo talaga ng desisyon niya na 'wag pumasok sa showbiz ay ang kagustuhan niyang magtapos ng pag-aaral.

“Kasi feeling ko baka umabot sa ganun point na kailangan kong pumili between doing a show, and finishing my studies in Pisay (Philippine Sceince High School). So sabi ko, kung talagang ito ang gusto kong gawin, baka kahit after college na lang,” sabi niya.

Ngunit pagpapatuloy ni Atom, “Pero hindi na rin ako ever bumalik.”

BALIKAN ANG EVOLUTION NI ATOM MULA SA KANIYANG PAGKABATA SA GALLERY NA ITO:

Ayon ay Atom, bata pa lang ay alam na niyang introverted siya dahil madalas, madali siya umano mapagod kapag nakikipag-interact sa mga tao. Dagdag pa niya ay madali rin siyang ma-overwhelm sa mga malalaking crowd tulad ng parties.

“Before, I couldn't understand it eh. Parang bakit ako, all of a sudden, I wanted to hide in the bathroom, or I wanted to leave and not say goodbye to anyone, things like that,” sabi niya.

Sabi niya, hindi siya naniniwlang divided lang ang mga tao sa introverted at extroverted. Paliwanag niya, “I think all of us have some introverted 'tendencies' and extroverted tendencies.”

At ayon kay Atom, dahil sa trabaho niya bilang isang reporter ay natuto rin siyang makitungo sa mga tao.

Pakinggan ang buong interview ni Atom dito: