GMA Logo Atom Araullo
What's Hot

Atom Araullo, nagkuwento tungkol sa kanyang hugot sa buhay

By Bianca Geli
Published October 3, 2025 3:47 PM PHT

Around GMA

Around GMA

WALANG PASOK: Class suspensions for Thursday, January 15, 2026
Landfill spotter saves 3 workers; captures trash slide on video
A new 'Heated Rivalry' book is coming this September

Article Inside Page


Showbiz News

Atom Araullo


Ano kaya ang bubog o hugot sa buhay ni Atom Araullo?

Isa sa mga sorpresa sa kauna-unahang Storytellers Academy ng GMA Public Affairs ay ang pagdalo ni Atom Araullo bilang guest. Sa pagkakataong iyon, sa kanyang panayam kay Jessica Soho, ibinahagi niya ang isa sa kanyang mga “bubog” o personal na hugot sa buhay.

"Meron ka bang bubog? Bubog is ang term ni National Artist Ricky Lee doon sa mga dala-dala natin, 'yung mga kinikimkim natin na kailangan natin malagpasan."

Kasunod nito, tinanong ni Jessica: "Meron ka bang bubog o hugot sa buhay?"

Agad namang tumugon si Atom: "Ang pagkakaintindi ko sa bubog ay isang termino ni Ricky Lee, isang bagay na dinadala mo mula pagkabata. Kung meron mang isang papasok sa isip ko, nag-aral ako sa Ateneo de Manila."

Pagpapatuloy niya, "Ang mga estudyante sa Ateneo, hindi naman lahat, pero mas mataas ang antas sa lipunan. Ibig sabihin, mga may kaya.

"Noong panahon na 'yun, kahit sa mga bata, hindi maiwan minsan may panghuhusga kung ano ang iyong pinanggalingan.

"Actually, malaking problema 'yun na gustong i-address ng school admin, kasi nagiging materialistic,” dagdag pa niya.

"Noong bata pa lang ako, nagkaroon ako ng feeling, kasi hindi naman kami galing sa isang mayaman na pamilya, hindi rin naman kami naghihirap, pero hindi kami masyadong mayaman.

"So, 'yung mga uniporme ko noon 'yung mga pinakamura lang. 'Yung discounted sa department store. Napupuna 'yun ng mga kaklase ko.

"So parang feeling ko hindi ako cool. Hindi ako belong sa popular crowd. Doon ko naisip na, 'Papatunayan ko sa inyo na kaya kong maging magaling. Kahit na hindi ako cool sa iyong pananaw.'"

Sa kanyang pagbabahagi, ipinakita ni Atom Araullo na ang mga “bubog” na dala natin mula pagkabata ay hindi hadlang kundi maaaring maging inspirasyon para magsikap at magtagumpay. Sa huli, ang mahahalagang karanasang ito ang humuhubog sa ating pagkatao at nagiging daan para mas lalo tayong maging matatag.

Mapapanood ang Storytellers Academy sa GMA Public Affairs' YouTube Channel sa October 15.

A post shared by Kapuso Mo, Jessica Soho (@km_jessica_soho)

RELATED GALLERY: JESSICA SOHO'S STORYTELLERS ACADEMY FOR ASPIRING JOURNALISTS