
Sa isang interview sa Tonight With Arnold Clavio, naikuwento ni Atom ang kanyang experience sa pagiging isang aktor. Aniya, "Nako, kakaibang Atom Araullo ang makikita niyo dito."
Pa-joke naman niyang idinagdag, "Diba 'yun ang standard line?"
On a serious note, si Atom ang gumaganap bilang lead actor sa film na Citizen Jake. Ikinuwento rin ng journalist-turned-actor ang storya ng kanyang pelikula.
Ika niya, "Basically it's a a fictional story, so it's about this priviledged young man who happens to be a journalist na struggling sa kanyang pamilya, dysfunctional family, struggling against mga crisis sa kanyang kinabibilangang lipunan. At meron siyang isang crimen na sinusubukan i-solve. So, ibang iba."
Nakatulong din naman daw na co-written ito ni Atom dahil alam na niya ang flow na storya. Isa pang nakatulong sa kanyang debut film ang pagiging isa ring journalist ng kanyang karakter.
Aniya, "Malaki rin[g tulong na isang journalist ang karakter ko,] kasi syempre di ko na kailangan i-research kung paano 'yung proseso ng pag-news gather, paano ba 'yung nag-i-interview, ano ba 'yung ginagawa ng reporters."
Ngayong iba't ibang opportunities na ang nakukuha ni Atom, kumusta naman kaya ang kanyang stay sa Kapuso Network? Sagot niya, "Mabuti naman, natutuwa ako sa mga ginagawa kong trabaho ngayon. Marami akong natutunan, maraming magagaling na nakakasama ko dito. Hopefully, mas marami pang matuwa [sa mga ginagawa ko.]"