
Kasama sa worldwide trends sa Twitter ang #PhilippineSeas, at number one rin ito sa Pilipinas.
Ito ang unang proyekto ni Atom Araullo para sa GMA News and Public Affairs. Ang special documentary na ito ay nagpakita ng pagdiskubre ni Atom sa mga lamang-dagat at iba't ibang creatures sa ilalim ng karagatan. Kabilang dito ang mga dolphins at ang mga dugong. Tinalakay rin nito ang iba't ibang issues na hinaharap ng ating mga mangingisda at ang kasalulyang estado ng ating karagatan.