
Bago matapos ang linggo, nagkaroon ng engrandeng pagsasama ang mga bigating artista at pangalan sa industriya sa ABS-CBN Ball 2025.
Isa sa mga dumalo ay ang mga opisyal ng GMA Network at Sparkle kabilang sina GMA Senior Vice President Atty. Annette Gozon- Valdes, Sparkle First Vice President Joy Marcelo at Sparkle senior talent manager Tracy Garcia.
Sa panayam ni Atty. Annette sa 24 Oras nitong Sabado, April 5, binati niya ang ABS-CBN sa kanilang matagumpay na ball at nagpaabot ng mensahe para sa kanilang mga future collaborations.
"I am very happy that we've had many collaborations and I am really looking forward to more collaborations in the future," sabi ni Atty. Annette.
Maliban sa mga dumalong opisyal ng GMA Network, nakisaya rin sa ball ang ibang Kapuso stars na sina Heart Evangelista, Michelle Dee, Mavy Legaspi, at Ashley Ortega.
Panoorin ang buong balita dito:
RELATED CONTENT: GMA Network executives, Kapuso stars attend ABS-CBN Ball 2025