
Natuwa si Atty. Annette Gozon-Valdes na napabilang siya sa masayang opening number ng TiktoClock.
Naganap ang guesting ng GMA top executive sa TiktoClock noong Biyernes, August 4. Kasama niya pa rito ang Asia's Multimedia Star na si Alden Richards.
PHOTO SOURCE: TiktoClock
Saad ni Atty. Annette, "Wow, napakanta nila ako, ganoon kagaling ang TiktoClock."
"First prod mo that aired on TV," saad ni Alden kay Atty. Annette.
"Yes, yes!" Sagot naman ng GMA top executive.
Dugtong pa ni Atty. Annette, "Sobra 'di ba? Parang 'ay, napakanta ako.' May award sila."
Inihayag pa ng entertainment industry leader na nakakatuwang pagmasdan ang hosts ng TiktoClock sa kanyang pagbisita.
Napapanood sa TiktoClock sina Pokwang, Kuya Kim Atienza, Rabiya Mateo, Faith Da Silva, at Jayson Gainza.
Kuwento ni Atty. Annette, "Nakikita mo kasi na magkakaibigan na lahat ng nanditong hosts, naglalaro lang talaga sila."
"Ang saya saya!" Dugtong pa ni Atty. Annette.
Balikan ang masayang guesting ni Atty. Annette sa TiktoClock kasama si Alden dito:
Samantala, abangan sina Atty. Annette at Alden sa Battle of the Judges tuwing Sabado, 7:15 p.m. after Pepito Manaloto.