
Sigurado ang malaman na usapan na puno ng tawanan sa hearing ng Your Honor this Saturday night.
Dahil pina-subpoena ng House of Honorables na sina Chariz Solomon at Buboy Villar ang lawyer by day, stand-up comedian by night na si Atty. Ed Chico.
Sa teaser episode ng YouLOL Originals podcast, napa-hirit si Atty. Ed sa nangyayari sa ating gobyerno ngayon.
Inilarawan pa niya ang politika na isa raw "malaking komedya".
“Yung politika is malaking komedya because how they conduct themselves. Nakakatawa naman talaga e, isipin mo na lang nung tumakbo si Bato [dela Rosa].” Sabi niya sa Your Honor.
Dagdag niya, “Kaya ginagawa ko na lang din comedy sila, kasi, yun na lang para nakakaganti ka na rin kahit papaano 'di ba, kasi nakakapikon talaga sila e.”
Sulit ang pahinga ngayong weekend kapag tumutok sa session ng 'Your Honor,' ngayong May 30, pagkatapos ng 'Pepito Manaloto' sa YouLOL YouTube channel.
RELATED CONTENT: Podcast duos dominating online conversation right now