
Ibinahagi nina Aubrey Miles at Troy Montero ang nangyari sa kanilang planong pagpapakasal noong 2020.
Napabalita noon na ikakasal na dapat ang long time celebrity couple ngunit nagkaroon ito ng delay dahil sa COVID-19 pandemic.
Photo source: @milesaubrey
Sa Sarap, 'Di Ba? Bahay Edition ay ibinalita nina Aubrey at Troy kung ano na ang plano nila sa kanilang kasal.
Ayon kay Aubrey, 2019 pa lang ay nagplano na sila ng kasal ni Troy.
"Plinano namin 'to siguro before 2019, parang sabi namin you know what, yes, let's do it. Puwede na.
"Nai-book na namin 'yung hotel, 'yung flights nabayaran na. Nag-pandemic so na-move namin siya. April, then 'yung wedding date na-move siya ng July."
Dugtong ni Troy, dahil walang kasiguraduhan ang sitwasyon dahil sa pandemya, pinili na lang nilang maghintay muna.
"Move ulit. Indefinite.
"We waited long, might as well wait a little longer," saad ng aktor.
Bukod sa kasal nina Aubrey at Troy ay nagbahagi rin sila ng kanilang buhay pamilya ngayong quarantine.
Ayon kay Aubrey, "We're good. Nasa bahay kami siyempre with the kids, with my mom, with the baby, and gardening. Masaya naman."
Kuwento pa ni Aubrey ay adjusted na sila sa quarantine restrictions at alam na nila ang mga dapat gawin.
"With the kids naman we're super adjusted now unlike last year na parang oh my god, what is gonna happen?"
Ayon naman kay Troy, lahat ay kailangang mag-adapt sa new normal.
"Lahat had to adapt and get used to this somehow. The new normal. Everyone is just trying to make the best out of everything because you know life moves on."
Panoorin ang kanilang mga kuwento sa Sarap, 'Di Ba? Bahay Edition.
Tingnan naman ang ilang mga litrato ng pamilya nina Aubrey at Troy dito: