
Abala ngayon si Aubrey Miles para sa bagong serye sa GMA, ang Philippine adaptation ng hit Korean series na Shining Inheritance.
Sa serye, mapapanood si Aubrey bilang ina ng karakter na gagampanan ni Kyline Alcantara.
Sa interview kay Lhar Santiago ng 24 Oras, pinuri ni Aubrey ang husay ng on-screen daughter sa serye.
"Her acting, you're really gonna feel na nanay na ako, ganoon kami ka-connected," paghanga ni Aubrey kay Kyline.
Dagdag pa niya, "Si Kyline is a really good young star na actress."
Makakasama nina Aubrey at Kyline sa Shining Inheritance sina Kate Valdez, Michael Sager, Paul Salas, at Coney Reyes. Kabilang din sa cast sina Wendell Ramos, Glydel Mercado, Roxie Smith, Seth Dela Cruz, at Charuth.
Abangan ang Shining Inheritance, soon sa GMA!
TINGNAN ANG NAGANAP NA STORY CONFERENCE NG CAST NG SHINING INHERITANCE SA GALLERY NA ITO: