
Ito na ang pagkakataon para sumali sa mga patok na segment ng FUNanghalian noontime program na It's Showtime.
Mas pinalawak ang auditions ngayon, dahil bibisita ang team sa mga probinsya ng Ilocos Sur, Laguna, Oriental Mindoro, La Union, at Pangasinan.
Sa July 23, gaganapin ang auditions sa Cabuyao Athletes School ng Laguna at July 27 sa Barangay Cabunang, Bulalacao, Oriental Mindoro.
Sa August 5 naman ang auditions sa Robinsons La Union at sa August 7 sa Robinsons Pangasinan.
Photo by: It's Showtime
Bukas ang "EXpecially For You" sa ex couples in all genders at dapat 18 years old and above.
Para sa "Tawag ng Tanghalan: The School Showdown," maaaring sumali ang mga mag-aaral na 14 years old and above na naka-enroll sa high school, college, post graduate, at vocational programs. Maghanda ng minus one copy ng Ingles at Tagalog na kanta.
I-follow lang ang mga social media accounts ng It's Showtime at GMA Network para sa iba pang detalye at updates.
Subaybayan ang It's Showtime, Lunes hanggang Sabado,12 noon, sa GMA, GTV, at iba pang Kapuso platforms.
Samantala, tingnan ang mga artistahing 'EXpecially For You' guest sa gallery na ito: